Martes, Enero 19, 2016

Usapang Kamote sa 93.9 iFM Manila. Ang bestfriend mo.

Kamote Club nina DJ Pakito JOnes at Sir Rex Kantatero







       


    Kamote Club ang isa sa programa ng 93.9 iFM Manila. Ang programang ito ay tungkol sa mga bagay na pwedeng pag-usapan o isyu ng ating bansa. Hindi naman literal na usaping pang ekonomiya kundi yung mga usaping "Trending ngayon".
         
     Ang Tandem nina DJ Pakito Jones at DJ Sir Rex Kantatero ay kakaiba. Hindi lang sila nakapokus sa pagpapatawa sa mga listeners at callers nila, kundi nakakapagbigay din sila ng mga advices sa mga bestfriend nila na may problema. Gumagawa din sila ng mga kanta na sila mismo ang nagcomposed sa mga lyriko nito. Tatawagin natin itong "Parody". Ang parody kasi ay nakakatuwang lyriko ng kanta. Kadalasan ito yung ginagawa ni DJ Pakito Jones at Sir Rex Kantatero.

        Ang programang Kamote Club ay tuwing (Monday to Saturday) simula (8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali) hosted by DJ Pakito Jones at DJ Sir Rex Kantatero dito sa 93.9 iFM Manila. Ang Bestfriend Mo.

      Ang Kamote Club ay tungkol sa problema ng pag-ibig. Mayroon itong tatlong segment na nakapaloob, ito ay ang WTF o wala talagang forever, BlindiTem, at Fill in the Kwan.  WTF o Wala Talagang Forever ay tungkol sa problema ng pag-ibig. Ang mga listeners ng 93.9 iFM Manila mismo ang nagpapadala ng kanilang mensahe sa pamamagitan ng Facebook Page at sina Pakito Jones at Sir Rex Kantatero ang magbibigay ng mga advices sa mga nagpapadala. Ang nakakatuwang segment ng Kamote Club ay ang BlindiTem at Fill in the Kwan na walang ibang Station ng Radio ang kagaya nito. Bilang isang tagapakinig sa programa ng Kamote Club ay mapapaisip at mapapahula ka talaga sa isasagot mo. Minsan, yung mga caller o listeners ng programang ito ay sumasabay sa mga paandar nina DJ Pakito Jones at Sir Rex Kantatero na kung saan ay matatawa ka nalang sa iyong kinauupuan.
        Ang Kamote Club ay para sa mga taong gustong mawala ang stress o pagod. Dahil punong-puno ito ng katatawanan, kulitan, at laughtrip. Sa mga nagtatrabaho sa opisina, kasambahay, estudyante, drivers, vendors at tambay..
 Tune-in lang araw-araw sa Kamote Club 93.9 iFM Manila. Ang Bestfriend mo.












BREAKTIME STORIES NI DJ CHARO TYANGKO




      Ang Breaktime Stories ni DJ Charo Tyangko ay programa sa tanghalian ng 93.9 iFM Manila na kung saan isa itong drama series na pinagbobosesan ng mga DJ's.. Ang drama series na ito ay tungkol sa mga istorya ng buhay na maaaring iba satin ay naranasan.. Ang tema ay tungkol sa kwentong pang love story, family, reality, at minsan romantic comedy.
         Ang Breaktime stories ay nag -aair daily tuwing (Monday to Saturday) simula (12:00 ng tanghali hanggang 3:00 pm ng hapon) hosted by DJ Charo Tyangko dito sa 93.9 iFM Manila. Ang Bestfriend Mo.

Hindi lamang dito umiikot yung mga istorya na ini-air nila kundi yung mga kwentong kapupulutan natin ng aral, at minsan nakakarelate tayo sa bawat dialog o eksena nito. Ang Breaktime stories kasi ay hindi lamang puro family at love na iyakan, iwanan at hiwalayan kundi meron din itong istoryang pang-komedy na nakakatuwang pakinggan. Minsan nga pag nakikinig ako may mga kwentong nakahanap na nang kanilang forever sa isang sitwasyong hindi nila inaasahang mangyari. Isa ako sa mga tagapakinig ng breaktime stories noon. Noong panahong hindi ko alam ang estasyong pinapakinggan ko. Kung sa love ang pag-uusapan natin ay nabighani at namangha ako sa mga boses ng mga DJ/s na gumanap sa istoryang kanilang pinagbibidahan.
           Si DJ Charo Tyangko, siya yung taong hindi mo akalain na siya. Dahil sa tuwing nag-aair siya ay para bang relax na relax at mahinahon kung makikipag-usap, mapapansin mo na nag-eenjoy siya sa kanyang trabaho. The way ng pakikitungo niya sa kanyang mga caller o listeners ay maayos at mabait siya makikisalamuha. Sympre bilang isang DJ ng radio station dapat mahaba ang pasensiya mo sa mga taong magloko at sisirain lamang ang programa mo.
          Ang programang Breaktime Stories ay pang-masa kumbaga para ito sa mga kabataan na mahilig makinig ng drama at sa mga magulang na nasa bahay na naglalaba. Hindi lamang sila kundi yung mga taong nagtatrabaho sa opisina, kasambahay, mga vendors at iba pa..
        Kung nais niyong makinig o marinig ang Breaktime Stories ni DJ Charo Tyangko, tune-in lang sa 93.9 iFM Manila.. Ang Bestfriend Mo..


     Kamote Request ay tuwing (Monday to Saturday) Three-hour song request program (3:00pm-6:00pm ng gabi) hosted by DJ Nikka Loka sa 93.9 iFM Manila. Ang Bestfriend Mo.

           Ang programang Kamote Request ay tungkol sa mga kanta. Kanta na gusto mong marinig o ma-play on air. Dito, mayroon kang freedom na magrequest kay DJ Nikka Loka ng kahit anong kanta, depende naman sayo  kung ano yung gusto mong marinig  on air. Kamote Request ni DJ Nikka Loka ay sa pamamagitan ng  text line o Facebook Page. Hindi naman totally na puro kanta kundi yung mga  greetings o message mo sa mga taong gusto mong batiin.
           Si DJ Nikka Loka  bilang isang DJ ng Radio Station ay makikita mo talaga sa kanya yung pagiging  approachable  niyang tao. Mabait at marunong makisalamuha sa mga taong kanyang nakikita o nakapaligid nito. Pagdating naman sa pagiging DJ niya, ay hindi mo akalain na ang boses na yun ay sa kanya. Noong first time ko siyang nakita nag-air sa iFM Radio Station ay hindi ko akalain na siya pala yun, maganda kasi at namangha nalang ako bigla na ganon pala ang boses niya. Sympre, hindi lamang boses ang  napapansin ko pati na rin yung programang Kamote Request na kung saan ay gusto niyang ma-catch  ang atensyon ng mga listeners na nakikinig sa kanya.
        Ang Kamote Request ay para sa mga taong mahilig makinig ng kanta. Kung gusto niyo ng magagandang tugtugin at magrequest ng kanta tuwing hapon, tune-in lang sa Kamote Request 93.9 iFM Manila ni DJ Nikka Loka. Ang Bestfriend Mo.